Umapela sa pamahalaan ang pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA na huwag isisi sa retailers ang pagbebenta ng ilang imported na isda.
Kabilang dito ang isdang pampano at pink salmon.
Sa panayam ng DWIZ kay Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA, nanawagan ito na huwag pag-initan ang mga nagbebenta ng isda dahil wala namang kasalanan ang mga ito.
Imbes na sisihin, mas mabuting ilipat ang buwelta sa Bureau of Customs na patuloy na tumatanggap ng imported na isda.
Ang amin po sanang panawagan dito huwag nilang pag-initan ‘yung mga retailer dapat ay mas ‘yung mga importer na nasa likod nito, dahil ang mga imported po na isda ay dumadaan sa custom at sila po ang nagtatakda para dalahin sa kung saan dadalhin itong mga imported na isda.
Totally tigil ‘yung importation, itigil ‘yung pag-aangkat ng mga imported na isda, dapat kumikita, may hanap-buhay ang ating mga maliliit na retailer o mangingisda sa palengke at sa kabilang banda dapat ‘yung pinagkakakitaan nila ay mismo ay ating produkto.
Ang pahayag ni Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA sa panayam ng DWIZ