Nilimitahan na ng gobyerno ang pagbebenta at pagbili ng paracetamol at iba pang gamot sa lagnat, ubo at trangkaso matapos ang pagka-ubos ng supply dahil sa panic buying ng publiko.
Ito, ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ay alinsunod sa joint memorandum ang Departments of Health at Trade and Industry.
Hanggang 20 tablets o isang banig lamang ng 500 miligrams paracetamol ang maaring bilhin ng isang indibidwal at hanggang 60 pieces o 3 banig para sa isang household.
Kabilang din sa Memorandum ang pagbabawal ng online selling ng mga naturang gamot, maliban na lamang kung may pahintulot ng Food and Drug Administration. —sa panulat ni Mara Valle