Ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbebenta ng COVID-19 test kits sa online.
Ayon sa FDA, ito para maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-regulate sa manufacture, importation, distribution, sale, advertisement at promotion ng health products sa bansa.
Dagdag ng ahensya, maaari lamang gamitin ng medical professional sa mga ospital ang COVID-19 test kits at hindi pwede sa personal use.
Kabilang sa mga testing kits na ito ay ang RT-PCR, antibody at antigen based kits.
Bukod dito, magsasagawa naman ng monitoring sa online platform ang regional field offices at regulatory enforcement units.
Samantala, nagpaalala muli si FDA Director General Eric Domingo sa publiko na huwag bumili ng testing kits sa online dahil hindi alam kung ito’y ligtas at epektibo. — sa panulat ni Rashid Locsin.