Ikinukunsidera ng Food and Drug Administration na payagan ang pagbebenta online ng non prescription drugs ng mga establishments na walang physical stores.
Ayon kay FDA OIC Oscar Gutierrez, bumubuo na sila ng mga panuntunan hinggil sa e-pharmacy na isasapubliko rin nila kaagad subalit dapat ay mayruong opisina at identified warehouse kung saan nanggagaling ang gamot.
Kasabay nito, ipinabatid ng FDA na nag operate ito sa limampung sari sari store na nagbebenta ng counterfeit analgesic at antipyretic medicines kayat dapat tutukan ng consumers ang verification portal ng ahensya.