Pinababantayan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pagbebenta umano ng sigarilyo sa mga estudyante.
Kasunod ito ng ulat na maraming mga kabataan ang nakakalusot na manigarilyo at hindi na nasisita ng mga school authorities dahil sa pagiging abala lalo na ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Interior Secretary Catalino Cuy, dapat ay mahigpit na ipinatutupad ang nilagdaang Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 2017 kung saan nakasaad ang mahigpit na pagpapatupad ng smoking ban sa lahat ng government offices, paaralan, at ospital.
Dahil dito inatasan ni Cuy ang mga Local Government Units o LGU na magtalaga ng kanilang smoke free task force para mabantayan ang paligid ng mga paaralan upang maiiwas ang mga estudyante lalo na ang mga menor de edad sa naturang bisyo
—-