Inaprubahan na ng gobyerno ng Estados Unidos ang pagbebenta sa Pilipinas ng dalawang sea giraffe radar at ilan pang equipment na nagkakahalaga ng 25 million dollars.
Ayon sa US Defense Security Cooperation Agency, layon nitong mapaghusay pa ang monitoring ng Pilipinas sa mga karagatang sakop nito.
Sinasabing nababahala pa rin hanggang sa ngayon ang Amerika sa pag-aangkin ng China sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Ang mga ipagbibiling radar ng Amerika ay i-iinstall sa dalawang Philippine Navy Ships kung saan ang magiging principal contractors ay ang VSE Corp. at SAAB.
By Ralph Obina
Photo Credit: voanews.com / Reuters