Pinamamadali ng isang mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng ayuda para sa mga nasa sektor ng turismo.
Ayon kay Aklan Rep. Ted Haresco, dapat kalampagin ng DOLE Central Office ang kanilang regional offices at huwag nang patagalin pa ang paglalabas ng ayuda.
Sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act (Bayanihan 1), aabot sa mahigit 111 manggagawa sa sektor ng turismo ang naayudahan na sa ilalim ng CAMP.
Habang ang nalalabing two-thirds naman aniya ng mga hindi nabigyan ng ayuda ang siya namang prayoridad na matulungan sa ilalim naman ng Bayanihan 2 Act.