Pinaigting pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng babala sa mamamayan kapag may dumarating na bagyo.
Ayon kay undersecretary Renato Solidum ng Department of Science and Technology (DOST), ihihiwalay na ng PAGASA ang mga advisory hinggil sa dami ng ulan, lakas ng hangin at storm surge kapag mayroong bagyo.
Sinabi ni Solidum na layon nito na isa-isahin sa mamamayan ang panganib na dala ng lakas ng ulan, lakas ng hangin at storm surge upang mapaghandaan ito ng mga apektadong lugar.
Pinakabago anya sa mga sistemang ito ang storm surge warning system na sinubukan na nilang ipatupad noong bagyong Ompong.
Sa ilalim ng sistema, lalagyan na rin ng color code ang pagbibigay ng babala sa storm surge o daluyong.
Kulay blue ang para sa daluyong na mas mababa sa 1meter, yellow kung 1-meter – 2-meters, orange kapag 2-meters – 3-meters at red kapag mahigit sa 3meters.
Ang storm surge kasi ay kasabay ‘yan sa inuulat ng PAGASA kapag paparating ‘yung bagyo at may kategorya naman o lakas ng hangin na kailangan para magdulot ng storm surge kaya kasama talaga ‘to sa ulat ng bagyo pero ito’y hiniwalay para mabigyan ng pansin ano ang mga panganib na kaakibat ng bagyo. Maliban doon sa ano baa ng magiging kalagayan ng panahon, pangalawang kailangang sagutin, ano’ng mangyayari sa atin sa kondisyon ng panahon sa kasalukuyan at sa mga susunod na araw,” paliwanag ni Usec. Solidum.
Ratsada Balita Interview