Pagdedesisyunan ng Toll Regulatory Board (TRB) sa susunod na buwan ang pagbibigay ng diskwento sa toll fee ng mga motoristang apektado ng mabigat na daloy ng trapiko sa South Luzon Express Way (SLEX).
Ayon kay TRB Private Sector Representative Raymond Juni, malaki ang posibilidad na maaprubahan ang hinigiling na toll discount.
Samantala, inirekomenda naman ni Junia na bawasan ng 44 na piso ang toll fee ng mga dumadaan sa Northbound lane ng SLEX.
Aniya, kaniya itong imumungkahi sa magiging pagpuplong ng TRB bukas, Oktubre 29, Martes.
Matatandaang ipinaliwanag ni Junia na ang ibinebenta ng isang expressway na tulad ng SLEX ay serbisyo na makapagbibigay ng kaginhawan, kaligtasan at economic costs sa mga motorista .