Hinimok ni Senador Francis Escudero ang Malakaniyang na linawin hindi kabilang ang mga abusadong pulis sa mga ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso at pagkakakulong
Ito’y makaraang muling igiit ng Pangulo na sasagutin at hindi niya hahayaang makulong ang mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon
Ayon kay Escudero, posibleng ginawa lamang ng Pangulo ang pahayag upang maalis ang kaba at pag-aatubili ng ilang pulis na ginagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin
Kaya naman, sinabi ng Senador na mahalagang maisakatuparan ang panibagong pagdinig ng Senado upang pagpaliwanagin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre hinggil sa ginawang pagpapalabnaw ng kaso laban sa grupo ni Supt. Marvin Marcos na nasa likod ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Pagbibigay garantiya ng Pangulo sa PNP na pumapatay sa ilalim ng war on drugs dapat linawin was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882