Magpapatuloy ang pagbibigay ng Human Rights Victims Claims Board at Landbank ng cash card para sa kumpensasyon ng mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law.
Sinabi ni Claims Board Chairman Lina Sarmiento na kahapon ay mahigit sa tatlong daan (300) sa apat na libong (4,000) claimants ang nakakuha ng kanilang cash cards mula sa Landbank.
Para makuha ang cash card, pinayuhan ni Sarmiento ang claimant o kaya ay pamilya ng nasawing claimants na dalhin sa Landbank ang kanilang acknowldegement receipt at ids.
Ang ikalawang bahagi ng kompensasyon ay ibibigay kapag natapos nang desisyunan ang claims ng mahigit tatlumpu’t limang libo (35,000) pang biktima.
“4,000 ang inisyal na bilang ng ating bibigyan, hindi lang napapagsabay-sabay, starting next week sa mga branch ng Landbank na malapit sa kanilang mga bahay, ang importanteng malaman ng ating mga kababayan na dapat yung kopya ng resolusyon ay matanggap muna nila, una dapat kasama sila sa 4,000, pangalawa natanggap na nila, at pangatlo dapat lumagpas na yung 15 days before nila matanggap.” Pahayag ni Sarmiento
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas (Interview)
Photo: cnnph/gov.ph