Hindi maaaring maipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa ngayong Pasko.
Binigyang diin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring i-defer ang pagkakaloob ng 13th month pay ng mga kumpanyang in distress ang kalagayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Roque na mayruong umiiral na batas na nagsasaad na obligado ang pagbibigay ng 13th month pay.
Gayunman inihayag ni Roque na mas mabuting bigyan muna ng panahon ang Department of Labor and Employment para pag aralan ang usapin.