Hindi dapat lumampas ng ika-24 ng Disyembre ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.
Iginiit ito sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III dahil walang postponement at exempted sa pagbibigay ng 13th month pay bagamat may ibang employer na hinahati o ginagawang dalawang bagsakan ang nasabing bayarin.
Sinabi pa ni Bello na kailangang mangutang ng kumpanya para lamang makapagbayad ng 13th month pay kung saan ilang bangko ang handang magpautang ng soft loans.
Dapat ibigay ito on or before Dec. 24, hindi pwede ang installment,” ani Bello.
Ayon kay Bello, may mga hotline sila na mapagsusumbungan ng mga employer na lumalabag sa pagbabayad ng 13th month pay at papadalhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ito ng compliance order ang inirereklamong employer.
Kung hindi sila babayaran ng 13th month pay, magsabi lamang po sila, bibigyan namin ng for compliance order ang employer,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas