Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) at mga eksperto ang rekomendasyon sa pagtuturok ng 2nd booster dose para sa mga poll officer at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pag-uusapan ng kanilang ahensya ang pag-amyenda ng Emergency Use Authorization (EUA) para isama ang mga nasabing sektor sa pagbibigay ng ikalawang booster shots.
Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA para sa 4th dose o second booster shot para sa mga medical frontliners, immunocompromised at senior citizens.