Kinalampag ng Makabayan Bloc sa Kamara ang Social Security System na ibigay na ang ikalawang “tranche” ng dagdag sa pension sa Enero 2019.
Sa House Joint Resolution No. 22, iginiit ng Makabayan Bloc na mahalagang ipatupad ang ikalawang tranche ng SSS pension hike para mabawasan ang negatibong epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Enero 2017 nang aprubahan ng Kamara ang House Joint Resolution No. 10 para sa increase ng buwanang pension ng mga SSS pensioners sa P2,000.
Sa nasabing panahon din ibinigay ang unang “tranche” na P1,000 dagdag sa pension habang ang ikalawa naman ay sa Enero ng susunod na taon.
—-