Hinihintay pa ng Department of Health ang opisyal na rekomendasyon ng World Health Organization ukol sa pagbibigay ng karagdagang doses ng Covid-19 vaccine sa mga immune-compromised persons, senior citizens, at health care workers.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inaasahan nilang maglalabas na ng final recommendation ang organisasyon sa susunod na buwan.
Nilinaw naman ni Vergeire na ang booster shots at dagdag na doses ay magkaiba at hindi pa inirerekomenda ng WHO ang pagbibigay ng 3rd shot sa general population.