Binatikos ng isang non-government organization (NGO) ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nakakasuhan pa ang may-ari ng Mighty Corporation kapalit ng tatlong (3) bilyong piso.
Ayon sa Action for Economic Reforms, iligal ang plano ng Pangulo na bigyan na lamang ng amnestiya ang Mighty Corporation.
Giit ng grupo, magiging maling ehemplo ang kaso ng Mighty sa iba pang kumpanya ng tabako sakaling ituloy ang naturang amnestiya.
Lalabas na kakailanganin lamang magbayad ng malaking halaga para maiwasan lang maiwasan ang nilabag nilang batas.
Magugunitang ilang beses ni-raid ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang warehouse ng Mighty Corporation sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa pekeng tax stamps na nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo nito.
By Ralph Obina