Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra dengue ngayong araw na ito.
Aabot sa 600 estudyante ng Parang Elementary School sa Marikina City ang nabakunahan.
Ayon kay Dr. Honielyn Fernando, Assistant City Health Officer sa Marikina, napatunayan sa isinagawang pag-aaral na epektibo ang dengue vaccine kung ipagkakaloob ito sa mga batang may edad na 9 na taong gulang.
Sa datos ng Marikina Health Office, umaabot sa 487 ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod noong nakaraang taon.
Other brands
Hindi naman isinasara ng Department of Health ang pinto para sa posibilidad ng paggamit ng ibang brand ng dengue vaccine sa mga susunod na immunization program ng ahensya.
Ito, ayon kay Health Secretary Janette Garin, ay kung mabibigyan naman ng lisensya ang ibang kompanya na makatutulong sa paglabag sa naturang sakit.
Sa libreng dengue vaccination program ng DOH na isasakatuparan sa mga susunod na 20 buwan, eksklusibong gagamitin dito ang dengvaxia vaccine ng Sanofi Pasteur.
Ngunit, ayon kay Garin, maaaring magkaroon ng ibang brand ng vaccine sa mga susunod na taon na maglalatag ng magandang kompetisyon sa merkado.
By Meann Tanbio | Jelbert Perdez