Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng bagong housing units sa 34 na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA), kahapon.
Personal na inabot ng pangulo ang titulo ng mga bahay sa ginanap na seremonya sa freedom residences sa Barangay Cuambogan, Tagum City.
Maliban sa house and lot, pinagkalooban din ng pamahalaan ang mga nagbalik loob na mga rebelde ng livelihood assistance bilang panimula ng kanilang pagbabagong buhay.
Sa talumpati ng pangulo, tiniyak nito na ang pag-alalay ng gobyerno sa mga rebel returnee para makapamuhay ng disente at muling pagbangon.
Sinaksihan din ng pangulo ang demilitarisasyon sa mga isinukong armas ng mga dating rebelde.