Inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit laban sa kaniya ang regalong bahay na ibinigay sakaniya ng kaibigan nitong si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
Sa panayam kasama si Quiboloy, sinabi ng pangulo na matapos niyang matanggap ang bahay mula sa pastor, agad siyang inakusahan ng kaniyang mga kritiko kabilang na rito si dating Sen. Antonio Trillanes ng umano’y maanomalyang transaksyon.
Ngunit depensa ng pangulo, ang naturang bahay na tinanggap niya mula kay quiboloy nuong siya ay alkalde pa ng Davao, ay hindi pa opisyal niyang pagmamay-ari.
Ang usapan kasi aniya nila ni Quiboloy, duon siya titira kapag siya ay nagretiro na kaya naman duon na planong manatili ng pangulo sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2022.
Kaugnay nito, iginiit din ni Quiboloy na ang kaniyang regalo sa pangulo ay dahil lamang sila ay mabuting magkaibigan at hindi dapat bigyan ng iba pang kulay.