Pinag-iingat ng Inter Agency Task Force (IATF) ang publiko laban sa pagbibigay ng kanilang mga bank details at impormasyon tulad ng username at passwords online.
Ito ay matapos iulat ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagdoble sa mga naitatalang kaso ng phishing scheme o modus ng mga sindikato online.
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, sinasabayan ng mga online criminals ang pananatili sa mga tahanan ng mga tao na umaasa naman sa online transactions ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.
Payo ni Nograles, hindi dapat magbigay ng mga bank details sa mga magpapakilalang empleyado ng bangko.
Samantala, hinikayat naman ng kalihim ang mga nabiktima ng phishing schemes na mag-report sa NBI.
Ang modus operandi ng phishing, may mga taong magpapanggap na empleyado sila ng bangko mo. Ang detalye ng account mo tulad ng account number at passwrod, huwag niyong ibigay yang mga ‘yan hindi hihingin ng bangko niyo yan kahit kailan man, kahit sa anumang pagkakataon wina-warn din tayo na mag-ingat sa mga humihingi ng donasyon online, may mga kriminal na nagpapanggap na kasapi sa mga respetadong institusyon,” ani Nograles.