Inihayag ni presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na pinag-aaralan na ng pribadong sektor ang pagbibigay ng booster shot kada tatlong buwan o apat na beses sa loob ng isang taon.
Aniya, ang pagtuturok ng booster dose kada kwarter ay isang mabisang panlaban sa COVID-19 Omicron variant.
Dagdag pa niya na target nilang maturukan ang mas maraming manggagawa ng booster shot sa ikalawang kwarter ng 2022.
Samantala, nakikipag-ugnayan na si Concepcion sa mga opisyal ng aztrazeneca para sa posibleng pagbili ng naturang booster shot sa pebrero 2022.