Inaantay na lamang ng Department of Health (DOH) na maaprubahan ni DOH Sec. Francisco Duque III ang isinumiteng rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa pagtuturok ng Pfizer vaccine sa mga batang 12 to 17 years old.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergiere na sakaling makuha na nila ang approval ng kalihim, posibleng sa loob ng linggong ito, maari nang masimulan ang pagbibigay ng booster shot sa naturang age group.
Pero ani Vergiere, kailangan lamang na hintayin ng mga lokal na pamahalaan ang guidelines na mula sa kagawaran ng kalusugan bago ito tuluyang isagawa.
Matatandaan na June 14, nang amyendahan ng Philippine Food and Drug Administration ang emergency use authority (EUA) ng Pfizer vaccines upang magamit na bilang booster dose para sa mga 12 hanggang 17 taong gulang na mga batang nakakumpleto na ng primary vaccines.
Samantala, nitong nakalipas naman na June 16, nang maisumite ng HTAC kay Sec. Duque ang kanilang rekomendasyon ukol dito. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)