Hinimok ng pribadong sektor ang pamahalaan na payagan na silang makapagbigay ng booster shots sa kanilang mga empleyado.
Ito’y kasunod ng pangamba na baka masayang ang mga COVID-19 vaccine na kanilang binili.
Ipinabatid ng pribadong sektor na dapat hayaan silang makapagbakuna ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Bukod dito, panawagan rin nila na magkaroon ng vaccine incentives ang mga fully vaccinated at luwagan ang pagtanggap sa mga gym, kainan, tourism establishments at iba pa.
Sa huli, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na bilisan ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila at kailangan tiyakin na naipatutupad ang mga safety protocols sa bansa.