Patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibleng pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon kasi ay wala pang sapat na basehan na kailangan ng nasabing age group ang karagdagang dose.
Kailangan kasi aniyang tiyakin munang ligtas at epektibo ang ibibigay na bakuna.
Pero kung sakali namang aprubahan na mga vaccine experts sa bansa, may nakahanda raw na pondo ang pamahalaan para bumili ng mga bakunang kinakailangan.
Sa ngayon, umakyat na sa siyam punto apat na milyong kabataang edad dose hanggang disi-syete mula sa 12.7 milyon ang nakatanggap na ng kanilang unang dose.
Habang may 300,000 mga bata na edad 5 hanggang 11 ang bakunado na kontra COVID-19.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles