Kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na magbibigay ang China ng 23,000 mga bagong M4-rifles sa pambansang pulisya.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na wala pa siyang pinipirmahang kasunduan hinggil dito.
Inaayos pa lang aniya ngayon ang mga dokumentong kailangan sa transaksyon kaya hindi pa rin tiyak kung kailan ito maipadadala sa Pilipinas.
Nilinaw naman ni DELA rosa na walang hininging kapalit ang China para sa ibibigay nilang mga libreng baril.
Samantala, umaasa si Dela Rosa na matutuloy ang pagbili ng Pilipinas ng 26,000 assault rifles mula sa Amerika.
Matatandaang itinigil ng state department ang proseso sa pagbili ng Pilipinas ng armas sa Amerika dahil sa umano’y extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal