Maaari nang mabakunahan kontra COVID-19 ang mga nasa edad 16 hanggang 17 anyos na may comorbidities.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pag-aaral ng ahensya sa mga panukala at emergency use applications para sa paggamit ng COVID vaccines sa mga bata.
Ani Vergeire, kasama sa rekomendasyon na maaaring bigyan ng bakuna ang mga batang 16 hanggang 17 years old na may comorbidity basta’t mayroong itong clearance mula sa kaniyang doktor.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire na bagama’t dumarami ang mga bakunang maaari nang iturok sa mga bata, mananatili pa rin ang sistema ng pagbabakuna sa bansa kung saan prayoridad ang nasa vulnerable sector.
Una rito, sinabi ni Vaccine Czar Carilito Galvez na magdadagdag ang gobyerno ng 60 million doses pa ng COVID-19 vaccine kung saan inaasahang makakasama nang mababakunahan ang mga nakababatang populasyon.