Wala umanong dapat na ikabahala ang publiko sa inihihirit na emergency power sa Pangulong Rodrigo Duterte para lutasin ang malalang problema sa trapiko dahil hindi naman ito absolute at perpetual.
Ito ang binigyang diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade makaraang umapela sa mga Senador na aprubahan na ang hinihinging emergency power para sa Pangulo upang matugunan ang maraming balakid sa pagresolba sa problema sa trapiko tulad ng problema sa mga patakaran, mga tao, imprastraktura, bidding at iba pa.
Ayon kay Tugade, hindi naman absolute at hindi permante ang hinihinging emergency power ng Pangulo dahil iiral lang ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Hindi anya ito magiging arbitrary dahil may mga kaukulang safeguards na ipapaloob sa ipapasang batas hinggil dito.
Binigyang-diiin ni Tugade na ang Kongreso ay mayroong oversight authority kaya’t maaari itong tumakbo sa Korte Suprema sakaling may makitang pag-abuso sa paggamit ng emergency power.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno (Patrol 19)