Isinusulong sa Senado ang pagbibigay ng fixed salary sa mga barangay official.
Batay sa Senate Bill 136 o Magna Carta for Barangays, makakatanggap na ng tamang pasahod at benipisyo ang mga opisyal ng barangay at mga kawani nito.
Ituturing ang mga ito na regular na kawani ng gobyerno kung saan bukod sa regular na sahod ay may matatanggap din na allowance, insurance, medical at dental coverage, retirement at iba pang mga benipisyo.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, naghain ng panukala, nagsisilbing “frontline workers” ang mga opisyal ng barangay dahil sila ang unang takbuhan ng mga tao para hingian ng tulong at sila rin ang unang rumeresponde sa mga krisis.