Aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda na kabilang sa mga naapektuhan ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Kasunod ito ng kahilingan ng Department of Agriculture (DA) na i-exempt ang fuel subsidy program mula sa public spending ban o ang pagbabawal sa paglalabas ng pondo ng gobyerno sa gitna ng election period.
Sa naging pagdinig ng House Committee on Suffraged and Electoral Reforms, mismong si Commissioner George Garcia ang nagkumpirma sa naturang desisyon ng kanilang ahensya para pagbigyan ang DA.
Ayon kay Garcia, walang ipapataw na limitasyon dahil lubos na mahalaga ang nasabing programa.
Matatandaang una nang inihinto ng da ang pamamahagi ng fuel subsidy dahil sa umiiral na ban kung saan, sakop din nito ang pagpapatigil sa pagbili ng mga kagamitan sa sektor ng agrikultura. —sa panulat ni Angelica Doctolero