Ipinanawagan ni Construction Workers Solidarity Party-list at Committee on Health Member Rep. Edwin Gardiola sa Food and Drug Administration (FDA) na bigyan na ng full approval ang pagtuturok ng moderna at Pfizer COVID-19 vaccines sa edad 12 pataas.
Pinapalawig aniya proclamation no. 57 ang legal na batayan para sa Emergency Use Authorization (EUA) para sa mga bakuna sa COVID, ngunit hindi aniya maaaring patuloy na gamitin ang EUA habang buhay.
Aniya nananatili umanong crucial sa line of defense laban sa COVID ang mga bakuna dahil karamihan sa mga pasyenteng mayroong severe at kritikal na sintomas ay mga hindi bakunado.
Habang, ang mga booster dose naman aniya ay lalong mahalaga para sa mga teenager, seniors, immunocompromised, PWDs, at working adults.
Dagdag pa nito, lagpas 72 milyong tao na ang naturukan ng primary doses at kailangan pang mabakunahan ang nasa higit sa 30 milyon kabilang ang 3 milyong nakatatanda. - sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)