Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng one-time ‘gratuity pay’ sa mga nasa job order at contractual services sa gobyerno.
Batay sa Administrative Order 20, makakatanggap ng hindi bababa sa P3,000 ang mga naka-job order at contractual service na nakapagserbisyo sa gobyerno ng hindi bababa sa apat na buwan at nakapagsimulang magtrabaho ng December 15, 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Ang pondo para sa gratuity pay, ayon sa nasabing kautusan, ay kukunin sa maintenance and other operating expenses ng tanggapan ng pamahalan.
Sinabi ng Palasyo na ang naturang hakbang ay pagkilala sa dedikasyon at serbisyo ng mga naka-job order at contractual service sa gobyerno.