Isinusulong ni Senador Leila De Lima ang pagbibigay ng hazard pay sa mga court official na nakatalaga sa mga high-risk area.
Alinsunod sa Senate bill 1347 na ini-akda at inihain ni De Lima, karagdagang 15 percent ng buwang sweldo ang dapat matanggap ng mga opisyal na itinatalaga sa mga “risk-adjacent-court” na idineklara ng Supreme Court dahil sa kanilang geographical location o malapit sa mga nagpapatuloy na bakbakan o disaster-prone area.
Saklaw ng panukalang batas ang lahat ng first level courts o mga metropolitan at municipal trial courts gayundin ang mga second-level court o mga regional trial court at Shari’a district court.
Bukod sa mga hukom, makikinabang din sa naturang bill ang mga clerk of court, public prosecutor at abogado.
By Drew Nacino