Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng kakayahan ng First Scout Ranger Regiment ng Philippine Army para sa pagtuloy na pagsusulong ng kapayapaan.
Sa ika-73 founding anniversary ng FSRR sa San Miguel, Bulacan, kinilala ng pangulo ang malaking papel sa pagharap sa internal security threats at pagtitiyak sa kaligtasan ng Pilipinas.
Hinimok ni PBBM ang Department of National Defense na reviewhin ang scout rangers’ capability requirements at tangkilikin ang mga opsyon na magpapalakas sa operational capabilities and effectivenes ng mga ito upang maabot ng bansa ang defense objectives nito.
Giit pa ng pangulo na makatutulong ang scout ranger sa Armed Forces of the Philippines lalo na kung mapagkakalooban ito ng kinakailangang resources.