Patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibilidad ng pagbibigay ng ika apat na dose sa mga mamamayan.
Ayon kay Dr. Ted herbosa, Medical Adviser Ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na may rekomendasyon ang vaccine expert panel o vep hinggil sa pagbibigay ng 4th dose ng COVID-19 vaccine.
Batay aniya sa rekomendasyon, unang bibigyan ng 2nd booster dose ay ang mga senior citizens at immunocompromised individuals.
Ani herbosa, ipinasa na ang nasabing rekomendasyon sa technical advisory group at all experts upang mapag-aralan kung saan hihintayin na lamang kung aaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa kasalukuyan, tanging ang pagkakaroon ng booster shot o 3rd dose pa lamang ang pwede sa mga edad 18 anyos pataas.