Tiniyak ni incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kanilang pag-iibayuhin ang pagpapakalat ng impormasyon sa publiko
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Andanar na mahalagang malaman ng publiko ang mga ginagawa ng gubyerno para sa kanilang kapakinabangan
Partikular na rito aniya tuwing panahon ng kalamidad alinsunod sa umiiral na Republic Act 10639 o ang Free Mobile Disaster Alerts Law
Dalawang taon na aniya ang nasabing batas ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ito naipatutupad
By: Jaymark Dagala