Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbibigay ng insentibo sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, ikinukunsidera ng iatf ang pagkakaloob ng insentibo para makapang hikayat sa publiko na magpabakuna na.
Ilan aniya sa posibleng insentibo na ibigay ay ang payagan silang lumabas ng bahay at pinaikling quarantine period para sa mga bibyahe.
Una rito, pinaikli na sa pitong araw ang quarantine period mula sa dating 14 days ng mga fully vaccinated na inbound travelers.