Ayaw pangunahan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na bigyan ng insentibo ang mga atletang Pinoy na nakakakuha ng gintong medalya sa ginaganap na SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Abella nasa pagpapasya na ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng insentibo.
Gayunman aniya, sa nakalipas na taon ay binigyan ni Pangulong Duterte ng insentibo si Olympic Weightlifting Silver Medalist Hidilyn Diaz.
Hinimok naman ng Palasyo ang mga manlalarong Pinoy na pag-igihan pa ang kanilang performance at patuloy na makipagtagisan ng lakas para sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.
Sa pinakabagong tala, nasa 31 medalya na ang nasusungkit ng Philippine team sa SEA Games kung saan walo rito ay gold, 11 silver at 12 ang bronze.