Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na magbigay pa ng dagdag na detalye hinggil sa COVID-19 patients sa Pilipinas
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo iminungkahi niya sa pulong ng inter agency committee na nakatutok sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 sa DOH na isapubliko rin ang mga dagdag na impormasyon tulad ng mga partikular na lugar na binisita o pinuntahan ng mga apektado ng nasabing virus.
Sinabi ni Panelo na bina-balanse ng DOH ang privacy dahil posibleng magdulot ito ng panic at maapektuhan sila.
Sa kasalukuyan ang isinasapubliko lamang ng DOH ay kasarian, edad, nationality, travel history/exposure, petsa nang paglabas ng mga sintomas, petsa ng laboratory confirmation, tumanggap na health facility at estado ng kondisyon ng isang pasyente ng COVID-19.
Ibinasura naman ng malakaniyang ang posibilidad na under reporting ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa lalo’t kumakain ng maraming oras ang pagtapos sa contact tracing.