Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang bigyan ng libreng learning materials at school supplies ang lahat ng estudyante sa pampublikong paaralan.
Sa House Bill 2670 na inihain ni Manila Teachers Party-List Rep. Virgilio Lacson, layunin nitong magkaroon ng mas maraming learning experience ang mga mag-aaral sa bansa.
Ang Department of Education mismoang tutukoy kung anong learning materials at school supplies ang kailangan para sa mga estudyante mula sa kinder hanggang Grade 12.
Ginawang basehan ni Lacson sa panukala ang pag-aaral ng Kids in Need Foundation noong 2017, kung saan lumabas na mayroong kaugnayan ang libreng school supply sa kakayanan ng guro na epektibong maturuan ang kanyang mga estudyante.
Sa oras na maisabatas, kailangang isama ang pondo para sa libreng learning materials at school supplies sa taunang national budget.