Hindi ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga healthcare workers at iba pang essential workers.
Ito ang nilinaw ni DOTr Secretary Arthur Tugade makaraang isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Tugade, magpapatuloy ang service contracting program ng LTFRB bilang tulong sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi pa ng kalihim na ang pamasaheng matitipid ng mga manggagawa mula sa programa ay maaari nilang magamit na pambili ng pagkain at iba pang importanteng pangangailangan ng kanilang pamilya at mahal sa buhay.