Hindi nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang isandaang araw nito sa pwesto.
Ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, mas pinagtutuunan kasi ng pansin ni Pang. Marcos Jr. ang pagbibigay ng longterm, medium term at short term solutions sa mga kinakaharap na problema ng bansa.
Sa katunayan, ani Angeles, ang Office of the Press Secretary o ang kanyang tanggapan mismo ang nakatutok at tumitingin sa kung ano ang magiging accomplishments nila sa first 100 days.
Kabilang aniya sa kanilang tinitingnan at ina-assess ay ang pagiging responsive ng kanilang opisina sa mga pangangailangan ng pangulo, at kung mabilis at malinaw ba nilang naihahayag sa publiko ang mensaheng nais na ipaabot ng Chief Executive sa taumbayan.
Ngunit base ani Sec. Angeles sa kanyang nakikita, medyo mas nagiging efficient na ngayon ang kanilang team habang lumilipas ang mga araw at tiwala siyang nakakaresponde naman sila ng mabilis sa mga nais ni PBBM. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)