Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang pagtugon sa mga hakbang na kailangan gawin upang lalo pang magkaroon ng kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.
Ito’y matapos lumabas sa isang assessment na isinagawa ng isang international study na nahuhuli ang mga Pilipinong estudyante na nasa ika-apat na baitang pagdating sa math at science.
Ayon kay DepEd undersecretary for curriculum and instruction Diosdado San Antonio, sinisikap ng ahensya na tugunan ang mga tinukoy na hakbang para sa ikauunlad ng mga mag-aaral sa 2018 world development report.
Nariyan aniya ang pagbibigay ng motibasyon sa mga mag-aaral, commitment at kakayahan na magmumula sa mga guro, at ang papel ng paaralan pagdating sa mga learning resources.