Isinusulong ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang P10,000 cash assistance sa kada pamilya lalo na duon sa mga naapektuhan nang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni Cayetano, na kailangang kailangan ang financial assistance para mapalakas ang consumption sa gitna ng price hike dahil inaasahang sa huling bahagi pa ng taon maipapatupad ang COVID-19 vaccination program.
Bagamat suportado ang gobyerno sa price freeze inihayag ni Cayetano, na magpapalakas din sa ekonomiya ang patuloy na pamamahagi ng financial aid na makakatulong sa mga consumer at supplier.
Una nang naghain ng resolusyon si Cayetano para maimbestigahan ng kamara ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne at gulay at gumawa ng mga hakbangin para mapigil ang pagtaas ng presyo.