Nanawagan si Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy na madaliin na ang pagpapalabas ng pondo para sa mga micro-small and medium enterprises (MSME)’s na apektado ng pandemya sa ilalim ng Bayanihan 2 bago pa man ito mapaso.
Ani Herrera-Dy, dapat siguruhin ng Department of Trade and Industry na magagamit at hindi masasayang ang P10-bilyong alokasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) para makaahon ang mga MSMEs sa gitna ng pandemya.
Batay sa DTI, sa P10-bilyong pondo para sa cares, P8- bilyong na ang kanilang naibigay sa SB Corp para maipautang sa mga msmes at mga industriya sa turismo na may maliit na interest rate.
Mababatid na inaasaang 100,000 mga maliliit na negosyo ang makikinabang sa programa, 6,600 na pautang pa lang ang naaaprubahan o tinatayang nasa higit P1-bilyong pa lang.
Habang nasa 26,000 pa na mga aplikasyon sa pautang ang nakabinbin sa SB Corp.