Pinangunahan ng mga opisyal ng PCSO sa pangunguna ni General Manager Mel Robles ang pagbibigay ng PTV Patient Transport vehicle sa Munisipalidad ng Real sa lalawigan ng Quezon.
Ang nasabing pamahahagi ng sasakyan ay sinaksihan din nina PCSO Assistant General Manager for Charity Sector Dr. Larry Cedro, Charity Assistance Department OIC Department Manager Atty Marissa Medano at PTV Recipient Real Mayor Diana Abigail Diestro Bing Aquino.
Nagpapasalamat si GM Robles sa malaking tulong ng publiko sa pagtangkilik sa gaming products ng pcso tulad ng lotto games, STL at sweepstakes bilang suporta sa charitable programs ng pcso kabilang ang PTV donation program.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Aquino sa bagong sasakyan na malaking tulong aniya para mabilis na mai biyahe sa pinakamalapit na medical facilities ang mga pasyente, senior citizens at iba pang nangangailangan ng tulong.
Muling binigyang-diin ng PCSO ang commitment nitong patuloy na tumulong sa mga pilipinong nangangailangan na katunayan ng #PCSO hindi umuurong sa pagtulong.