Isinusulong sa Kamara ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Sa ilalim ng tatlong pinagsanib na panukala na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, itatatag ang social pension fund para sa pension at iba pang benepisyo sakaling masawi o magkaroon kapansanan ang isang OFW.
Kailangang mag-remit ng limang porsyento ng kanilang kita kada buwan ang mga OFW sa pension fund sa loob ng sampung taon upang magkaroon ng pondo ang pension benefits.
Kukunin rin ang pondo para rito mula sa mga sinisingil sa mga OFW kapag lalabas ang mga ito ng Pilpinas gaya ng kanilang ibinabayad sa medical testing centers.
—-