Nagbabala ang health department kaugnay sa pagbibigay ng ikalawang booster shot sa general population.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pinapayagan pa lamang sa ngayon na bigyan ng Second booster dose ay ang mga senior citizens, health workers at immunocompromised individuals.
Maliban dito, ani Vergeire na mananagot ang LGUs sakaling magkaroon ng adverse effects sa mga hindi pa dapat bigyan ng ikalawang booster shot.
Gayunman, paglilinaw ni Vergeire na bagama’t bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa nakikitaan na magkakaroon ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.