Pinabulaanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga alegasyon ni Senator Leila De Lima na diumano’y ibinalik nito ang mga pribilehiyo ng mga bilibid inmates na tumestigo laban sa kanya sa pagdinig ng Kamara sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison o NBP.
Ayon sa senadora, ang mga pribilehiyong ito ay kinabibilanganng unlimited access ng mga inmates sa cellphone, internet, aircon at telebisyon.
Sa panayam ng programang ‘Karambola’ ng DWIZ, sinabi ni Justice Secretary Aguirre na nanggaling na mismo kay De Lima ang katagang ‘ibinalik’ na aniya’y isang maaaring patunay na umiral na ang ganitong kalakaran noong panahon pa ng panunungkulan ng senadora bilang pinuno ng Department of Justice o DOJ.
“Ang gumamit ng salitang restore ay mismong si Sen. De Lima, na ni-restore ko raw yung mga privileges na inalis niya, privileges nung mga kapanahunan na siya’y kalihim pa ng DOJ, inaakusahan niya ko na ni-restore ko raw, so ibig sabihin existing nay an dati pa. Ang Bureau of Correction (BuCor) may sariling pamunuan yan. Iyan ay tungkulin nang nanunungkulan sa bilibid, tayo lang ang nagsu-supervise diyan”
Dahil dito, nagpalabas si Aguirre ng department order upang imbestigahan ang mga akusasyon ni De Lima.
“Nag issue na ko ng departmet order to investigate the allegations of Sen. De Lima. Kailangan kasi imbestigahan ito, ang hirap kasi rito ay halos lahat ng members ng BuCor ay tainted na”, ani Aguirre.
Kinumpirma rin ni Aguirre na minamadali na ng kanyang five-man panel ang imbestigasyon upang pormal nang makapaghain ng kaso laban sa senadora dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa paglaganap ng iligal na droga sa bilibid.
“Yang five-man panel, they’re already wrapping up the result of the investigation and any day pwede na itong lumabas”, paliwanag ni Aguirre.
Ito ay kaugnay naman sa natanggap na balita ni Senador De Lima na minamadali na nga ang pag-aresto at pagpapakulong sa kanya ng DOJ.
By Ira Cruz | Karambola program (Interview)
Catch it weekdays 8:00-9:30 in the morning with Jojo Robles, Conrad Banal, Jonathan dela Cruz and Prof. Tonton Contreras