Ipinag-utos ng Department of Tourism (DOT) sa Philippine Retirement Authority (PRA) na suspendihin ang pag-iisyu ng special retirees residence visa (SRRV) sa mga dayuhang may edad 35 pataas habang nirerepaso ang kasalukuyang polisiyang may kaugnayan dito.
Sa pagpupulong ng PRA Board of Trustees, inatasan ng DOT ang ahensya na i-review ang age bracket, dollar deposit requirements at iba pang may kinalaman sa usapin.
Matatandaang niluwagan ng PRA ang polisiya nito kung saan pinapayagan na ang mga dayuhang 35 years old pataas na magretiro sa Pilipinas.
Ang unang requirement lamang para rito ay dapat makapag-deposit ang mga dayuhan ng $50,000 sa bangko o bumili ng condo unit na may halagang P2.5-M.
Muling magpupulong ang board sa November 6, 2020 para sa agarang pagbabago sa naturang polisiya.